ikatlong tula ko....
Pag-ibig,
akala ko andyan ka?
Pag-asa,
akala ko andyan ka?
Lirang,
akala ko andyan ka?
Kaputol,
akala ko andyan ka?
Mali pala, ako nalang
at ako ang natira
Hindi kita makita
Hindi ka ba pwedeng
manatali dito, dito
sa tabi ko.
Magpakailanman na
galak, iyong sinama
nang mawala ka
nang iniwan mo ko.
Ngayon ang mga
kaibigan ko't ksama,
eto sila:
kasakitan,
kalungkutan,
galit,
at walang hangganang
kamatayan...
Bakit?
Ikaw nga ba ang
tumiwalag o lumisan?
Ako ba ang trumaydor o
Ikaw ay nagsawa lamang
Ako ba ang hwumasak?
Ako ba ang masama?
Ako ba ang may sala,
iyong magpakailanman
na paglisan?
Oo, ako...
ako ang sumuko,
ako ang naduwag,
ako ang nagtago,
ako ang tumakbo,
ako, ako, ako...
Hindi ko naisip,
ikaw lamang at ikaw
ang tumanggap ng ligaw,
ang nagmahal ng buo,
ang nagasikaso ng todo
ang nandyan sa bingid ng
gulo, kahirapan, at dugo...
Ako sana'y patawarin.
Ngayo'y ako'y nawawalan
Hindi na ako magtatagal.
patawad, paalam, pasensya.
Ako'y nagdudusa na.
Ako ay unti-unti ng
namamatay, nangangalay,
nangagalay na manatali,
sa mundo ng sakit at dilim,
sa mundo ng mga nilalang.
Paalam lirang...
0 Comments:
Post a Comment
<< Home